Erozio

Tagalog / Esperanto

Mga Tanim na Puno Pagkatapos ng Erosyon

Kasabay ng aking pagpapraktis ng Tagalog at Esperanto, sinulat ko itong artikulong "Erosyon" noong 1999 sa Kanada bago akong muling bumisita sa Pilipinas noong 2001 at 2003 pagkatapos nang matagal na panahon na absent ako sa Inang Bayan. Pagbalik ko galing Pilipinas, nag-iba ang perspektibo ko tungkol sa sitwasyon ng wika sa Pilipinas. Mas positibo ako ngayong pagtingin sa ebidensiya ng kalakasan ng wikang Filipino sa media at sa bagong diksyonaryo na may 100 000 salita na gawa ng unibersidad [ALMA].

2005.10.31, Viktor Medrano.

Arboj post la Erozio

Samtempe de mia praktiko de la Tagaloga kaj Esperanto, mi verkis ĉi tiun artikolon "Erozio" en 1999 en Kanado antaŭ ol mi revizitis Filipinojn en 2001 kaj 2003 post longa foresto de la Patrina Lando. Post miaj vizitoj, mia perspektivo pri la lingva situacio en Filipinoj ŝanĝiĝis. Pli pozitiva estas mia nuna opinio pri la evidento de Filipinolingva forto en la amaskomunikiloj kaj en nova vortaro kun 100 000 vortoj fare de universitato [ALMA].

2005.10.31, Viktor Medrano.

Erosyon / Erozio



Sa tingin ko, talagang sayang ang Tagalog.

Miaopinie, vere marasmas la Tagaloga.

Kitang-kita ang erosyon ng kulturang Pilipino sa Pilipinas at sa Norteamerika. Hindi gaya ng ibang Asyano, ang mga Pilipino ay masyadong minamahal ang wikang Ingles. Ano ba ang ginagamit nila sa mga dokumento sa negosyo, gobyerno, edukasyon, o teknolohiya? Sa karamihan ay Ingles! Ang salita ng karamihan, lalo na sa Maynila, ay hindi Tagalog kundi 'Taglish' na. Panay pa rin ang kanilang panunuod ng sine at telebisyon sa Ingles. Sa Norteamerika naman, ang mga batang Pilipino ay kalimitang hindi na nag-Tatagalog at ang kanilang tendensiya ng asimilasyon ay marahil pinakamataas sa mga Asyano. Pati ang pagtingin nila sa mundo ay talagang iba na.

Oni vidas la erozion de la kulturo Filipina en la Filipinoj kaj en Nordameriko. Ne similaj kiel aliaj Azianoj, la Filipinanoj tre amas la lingvon Anglan. Kion ili uzas en la dokumentoj komercaj, registaraj, edukaj, aŭ teknologiaj? Por la pliparto, estas la Angla! La lingvo de pliparto, speciale en Manilo, ne estas la Tagaloga, sed la 'Tagangla' ja. Kutime ili rigardas filmojn kaj televidon en la Angla. Eĉ en Nordameriko, idoj Filipinaj emas ne paroli Tagaloge kaj ilia nivelo de asimilema estas eble la plej alta inter la Azianoj. Ankaŭ ilia mondperspektivo vere ŝanĝiĝas ja.

Sa ibayong-dagat, ang mga diyaryong Pilipino ay kalimitang gamit ang Ingles, hindi Tagalog. Bahagyang mayroong bahagi para sa Tagalog. Mahiwaga at parang medyo nakakahiya. Nagdadagdag yaong aktitudo nila sa problema na hindi masyadong malaki ang literatura sa Tagalog. Sana nama'y mayroong magaling na literatura na siyensiya-piksiyon sa Tagalog. Komiks na lamang ang mainam mabasa.

En la fremdlandaro, la ĵurnaloj Filipinaj pliparte uzas la Anglan, ne la Tagalogan. Apenaŭ ekzistas sekcioj por la Tagaloga. Estas mistere kaj kvazaŭhontete. Aldonas tiu ilia sinteno al la problemo en kiu ne ekzistas multe da literaturo en la Tagaloga. Oni esperas, ke ekzistus bonkvalita literaturo sciencfikcia en la Tagaloga. Nur komiksoj bone legiĝas.

Marahil dapat tumingin ang Pilipino sa kanilang kapitbahay, sa Indonesia at Malaysia. Ang gamit ng taga-roon ay wikang Malay ('Bahasa Malaysia' o 'Bahasa Indonesia'); gamit nila ito sa teknolohiya, negosyo, gobyerno, at edukasyon. Ang solusyon nila ay pinalalaki ang kanilang bokabularyo ng kanilang wika para puwedeng gamitin sa lahat ng mga linya. Dinagdagdagan ng mga Taga-Indonesia ang kanilang katutubong wika ng mga banyagang salitang galing sa Olandes. Alalahanin natin na ang Indonesia ay sinakop ng mga Olandes noon. Ang Pilipinas naman ay sinakop ng mga Kastila ng mga 400 taon at ng mga Amerikano ng mga 50 taon, kaya puwede rin gayahin itong pamamaraan ng Pilipino. Puwede namang i-Tagalog ang mga salitang galing Ingles o Kastila. Ginagawa na ito ngunit walang masyadong mabisang sistema.

Eble la Filipinanoj devas rigardi al sia najbareco, ĉe Indonezio kaj Malajzio. La tieanoj uzas la Malajan ('Bahasa Malaysia' aŭ 'Bahasa Indonesia'); ili uzas tion ĉi por teknologio, komerco, registaro, kaj edukado. Ilia solvo estas pligrandigi ilian terminaron de ilia lingvo por uzoj en ĉiu fako. La Indonezianoj aldonas al sia propra denaska lingvo fremdajn vortojn el la Nederlanda. Ni memoru, ke Indonezion koloniis la Nederlandanoj antaŭe. La Filipinojn, simile, koloniis la Hispanoj dum proksimume 400 jaroj kaj la Usonanoj dum proksimume 50 jaroj, por ke la Filipinanoj ankaŭ povas kopii tiun ĉi procedon. Oni povus Tagalogigi vortojn el la Angla aŭ la Hispana. Tion ĉi oni faras ja, sed ne ekzistas tre efika sistemo.

Halimbawa: Ano ang Tagalog sa 'DNA' (deoxyribonucleic acid)? Wala. Puwede ba ang 'asidong desoksiribonukleyiko'? Ano ba ang 'World Wide Web' (WWW) sa Tagalog? Wala. Puwede ba ang 'Pandaigdigang Habi' (PH)? Ano ba ang 'computer' sa Tagalog? Puwede ba ang 'kompyuter' na galing sa Ingles, o 'komputadora' na galing sa Kastila? Ganito ang ginagawa ng ibang Asyano. Sa sulat ng Intsik ang 'computer' ay 'elektronikang utak'. Sa Hapon ang 'computer' ay 'konpyuutaa'. Ano kaya ang 'hardware' at 'software' sa Tagalog? Baka 'hardwer' at 'sopwer'. Magaling naman kung lohika ang ortograpiya.

Ekzemple, kio en la Tagaloga estas 'DNA' (desoksiribonukleata acido)? Nenio. Ĉu taŭgus 'asidong desoksiribonukleyiko'? Kio estas 'Tut-Tera Teksaĵo' (TTT) en la Tagaloga? Nenio. Ĉu taŭgus 'Pandaigdigang Habi' (PH)? Kio estas 'komputilo' en la Tagaloga? Ĉu taŭgus 'kompyuter' el la Angla, aŭ 'komputadora' el la Hispana? Tion faras aliaj Azianoj. En la Ĉina skribsistemo, 'komputilo' estas 'elektronikcerbo'. En la Japana, 'komputilo' estas 'konpyuutaa'. Kioj eble estus 'aparataro' kaj 'programaro' en la Tagaloga? Eble ili estus 'hardwer' kaj 'sopwer'. Se la ortografio estus logika, estus bona.

Sa kasaysayan, kaya malaki ang bokabularyo ng wikang Ingles ay humiram ng maraming salitang galing sa wikang Griyego at Latin, at galing sa Pranses, isang wikang nagmana sa Latin. Ang paghihiram ng salita ay talagang natural na parte ng ebulusyon ng maraming wika. Parang espongha ang wika.

Historie, la vortstoko Angla estas granda, ĉar la Angloj prenis multmultajn vortojn el la Greka kaj la Latina, kaj el la Franca, lingvido de la Latina. Vortpruntado estas natura parto de la evolucio kiu okazas en multaj lingvoj. Lingvo estas kiel spongo.

Sa bagong talatinigan, may mga salitang aghimuin na ang ugat ay mga purong Tagalog. Halimbawa, may 'panuos' (computer) na galing sa pandiwang 'tuos' (to compute). Sa palagay ko, marahil mas maganda pa ito kaysa sa 'kompyuter'. Mayroon pang 'tanlap' para sa 'telebisyon' at 'hatinig' para sa 'telepono'. Ang problema lamang sa purong Tagalog ay hindi madaling makilala, ngunit tunay na mas elegante. Nakakawiliwili na malamang mayroon pang mga salitang galing sa ibang wikang Pilipino na dinagdag sa bagong talatinigan; halimbawa, may 'dagsin' (gravity) galing sa Ilokano, 'butang' (matter) galing sa Bisaya, at 'bugat' (mass) galing sa Bikolano. Alalahanin natin na iba ang 'bigat' (weight) kaysa sa 'bugat'. [ENRI]

En la nova vortaro, ekzistas vortoj teknikaj, kies radikoj estas el la pure Tagaloga. Ekzemple, ekzistas 'panuos' (komputilo), kiu venas el la verbo 'tuos' (komputi). Miaopinie, eble, tiu ĉi estas pli bela ol 'kompyuter'. Ankaŭ ekzistas 'tanlap' por 'telebisyon' (televido), kaj 'hatinig' por 'telepono' (telefono). Nur la problemo kun la pure Tagalogaj estas, ke ili ne estas facile agnoskeblaj, sed vere pli elegantaj. Oni interesiĝas pri scii, ke ekzistas, el aliaj lingvoj Filipinaj, kelkaj vortoj, kiuj estis aldonitaj al la nova vortaro; ekzemple, ekzistas 'dagsin' (gravito) el la Iloka, 'butang' (materio) el la Visaja, kaj 'bugat' (maso) el la Bikola. Ni memoru, ke 'bigat' (pezo) estas malsama ol 'bugat'. [ENRI]

Ano kaya ang panghinaharap ng Pilipinas? Utay-utay na mapalitan kaya ang katutubong wika ng Ingles katulad ng nangyari sa Wales? O kaya ang situwasyon ay parang Italya? Maraming diyalekto at wika sa Pilipinas. Noong ika-16 na siglo noong Muling Pagsilang sa Italya, maraming-marami ring diyalekto roon. Pagkaraan ng tatlong siglo nang paunlarin doon ang pagkakabansa, ang diyalekto ng ulong-bayan ang naging pamantayang wika ng buong bansa. Ang pamantayang wika ay kasangkapan para sa pag-iisa ng bansa.

Kio eble estos la estonteco de la Filipinoj? Grade eble anstataŭiĝos la indiĝena lingvo per la Angla kiel okazis en Kimrujo? Aŭ eble la situacio estos kiel Italujo? Multaj dialektoj kaj lingvoj ekzistas en la Filipinoj. En la 16a jarcento dum la Renesanco de Italujo, ekzistis multmultaj dialektoj ankaŭ tie. Post tri jarcentoj kiam evoluis tie la naciismo, la dialekto de la ĉefregiono iĝis la norma lingvo de la tuta nacio. La norma lingvo estas ilo por unuigi la nacion.

Makatuwirang hindi sapat ang paggamit ng wika sa pagkakanta at paghuhunta lamang...

Racie, ne sufiĉas la uzo de lingvo nur por kanti kaj babili...

[ALMA] Almario, Virgilio S. UP Diksiyonaryong Filipino. Philippines: Anvil Publishing Inc., 2001.
[ENRI] Enriquez, Maria Rosario, & Enriquez, M. Jacobo. New Handy English Webster's Dictionary: English-Tagalog Tagalog-English. Philippines: Philippine Book Company, 1986.